Sunday, August 17, 2008

a slice of my weekend...


ano'ng laro ba 'to?


tumambay ako kahapon sa rooftop, medyo maaliwalas kasi ang panahon hindi tulad ng mga nakaraang araw na parating umuulan. masaya magmasid-masid ng araw na yun kasi andaimg tao na naglisaw-lisaw sa kalye. buong kalye kasi nalalakaran nila dahil nga sarado sa trapiko ang daan naming nireretoke ng dpwh. tinaasan para matagpian ang lubak-lubak na naming kalsada at para hindi na rin abutin masyado ng baha tuwing high-tide at tag-ulan.

sa dami ng tao sa ibaba, e yung mga batang naglalaro ang napansin ko. masaya kasi sila panoorin e. nagkakatuwaan, nagtatakbuhan, naghahabulan. naghahabulan sila habang may bitbit-bitbit na baril-barilan. pero teka lang, hindi yata ordinaryong baril-barilan lang ang laro ng mga batang ito. napansin ko kasi na sa isang bahagi ng kalsada ay may mga apat o limang batang nakadapa na ang mga kamay ay nasa kanilang likuran at nakaaktong tila nakagapos. mayroon ding nakabantay sa kanila at tinututukan sila ng baril-barilan. samantala, sa labas naman ng bahaging iyon ay may iba pang batang may hawak na baril-barilan at hinahabol ang iba pang bata na walang dalang laruang armas. mayroon ding bahagi sa kanilang playground na hindi pwedeng pasukin ng mga batang de-armas, at mula doon ay tatakbo sila upang tapikin ang iba nilang kakamping nakadapa at pagkatapos noon ay magiging malaya na ito at makikipaghabulan na naman sa mga kontrabida ng kanilang laro. mga 30 minutes siguro ako nanood at nag-obserba sa daloy ng kanilang laro at unti-unti ay naiintidihan ko ang mga mechanics at lengwahe nito.

ang mga batang nakadapa ay tinatawag nilang "bihag" at ang lugar na pinagdadalhan sa kanila ay parang "hideout ng mga terorista". ang mga nasa nagliligtas sa mga "bihag" ay maaaring mga "militar" na kung saan sila ay nasa isang "safety ground". ito ang lugar na hindi dinadaanan ng mga terorista kung kaya hindi na rin nila nahahabol ang mga batang tumitigil dito.

ang mga batang nahuhuli ng mga "terorista" ay hindi rin naman kaagad-agad nadadala sa "hideout" lalo na kung lumalaban ito at sinusubukang makaalpas sa bumibihag sa kanya. kapag nakawala siya rito, muli rin silang maghahabulan, magtatawag ng ibang kakampi ang "terorista" upang habulin ang kalaban nila hanggang mahuli ito.

sa totoo lang, para akong nanonood ng live-action "counter-strike" kahapon. hindi ko alam kung ano'ng dapat kong maramdaman sa nasaksihan kong laro ng mga batang kapitbahay ko. dahil kung makikita n'yo lang sila, ang pinakabata sa kanila ay nakahubo't-hubad pa nga lang. mga tatlong taon siguro. hindi naman makitid ang utak ko pero ang konsepto ng kanilang laro ay hindi akma para sa murang isipan nila. ang mga ideya ng pagbihag (para sa ransom money) at pakikipagbarilan (kahit sa mga inosenteng mamamayan) ay mga paraan ng terorismo. hindi ko alam kung lubusan nila itong naiintindihan o hindi pero sana lang manatili na lang itong laro sa kanila. maging aral na ang karahasan ay hindi dapat mangyari sa totoong buhay upang walang matapakang tao sa kanilang daraanan.
___________________________________

my sunday anime marathon

boring naman parati ang sunday ko kaya hindi talaga ako bumabangon ng maaga sa araw na 'to unless, merong lakad ang buong pamilya o kaya may tatapusin akong trabaho for monday.

nagising ako ng 1:30 pm. derecho ako sa room ng kuya ko para hiramin yung psp niya. tekken dark resurrection ang kinalolokohan ko ngayon... saka who wants to be a millionaire... pampahasa ng utak... saka ung may dragon at bola... basta 'yun na 'yun. nag-psp ako sa room ko para walang istorbo. bandang 2:30 pm, nagutom na 'ko. so, baba na ko. binukas ko 'yung tv namin. hindi ako suki ng mga variety shows kaya automatic, tv 5 ako. bago kasi programming, 'di ba? out of curiosity lang, baka may matyempuhang ok panoorin... commercial pa, pagbalik, waahhh!!! shakugan no shana! eto ang bago kong fave na anime. astig talaga ang plot. cool ang mga supernatural fight scenes! ayun, na-realize ko na replay pala 'yun ng mga episodes na pinalabas sa regular sked nito tuwing weekdays. pagkatapos ng 2eps, yamato nadeshiko shichi henge naman! ang galing! the best of both worlds anime marathon talaga! alternate ung replays na ginawa nila kasi pagkatapos ng yamanade, isang ep na naman ng shana ang ipinalabas. ummm... palagay ko nagi-start ang marathon ng 1 pm e kaso nga nag-psp ako... malay ko ba naman na may replay pala 'yung mga fave animes ko tuwing weekend... anyway, catch ko na lang ulit 'yun next sunday para masaya! T_<


No comments: