Thursday, August 28, 2008

eraserheads: tuloy na tuloy na ang rakrakan!


tuloy na tuloy na ang rakrakan!

dalawang tulog na lang, ito na ang pinakahihintay na reunion concert ng music icon na eraserheads. tsismis lang ito nung una ko tong narinig early part of july. sino ba namang makapagsasabing magpu-push-through din pala.

daming kontrobersiya ang nakaladkad ng muling pagja-jamming nina ely buendia, markus adoro, buddy zabala at raymund marasigan. andyang hindi naman sila in-good-terms kaya lang ay binayaran ang bawat isa sa kanila ng ilang milyon para magsama-sama ulit. andyang promotional event lang ito ng isang brand ng sigarilyo para kumita dahil ipatutupad na ang ad ban para sa mga produkto nila. di ba nga dami pang health advocates ang nagpapa-boycott ng concert ng eheads dahil sa sponsorship ng yosi brand n ito. isa pa, kailangan mo pang mag-register sa website ng nasabing brand ng yosi na ito para lang makapasok ka ng libre sa CCP on aug 30, saturday.

katulad ng ibang eheads' fans, sinubukan ko ring mag-register sa website ng brand ng yosi na ito. pagbungad pa lang sa akin, nagtatanong na ang website na ito kung cigarette smoker ako, kung oo, pwede na ako mag-proceed sa registration. ang totoo, hindi ko rin natapos ang pagre-register kasi, 2nd week na ng august yun and naisip ko na baka marami na ang nakapagpa-rehistro at filled na lahat ng pwesto.

ang totoo, hindi naman ako cigarette-smoker pero dahil gusto kong mag-take part sa isa sa pinakahistorical event na pagdadaanan ng buhay ko, nag-try din ako mag-register. ang point ko lang is, you don't need to be a cigarette-smoker to be in the concert. i don't think isyu dito na ang main sponsor ng reunion concert ay isang brand ng sigarilyo. palagay ko nasa sa tao naman yun kung yoyosi ka o hindi. kesehodang panty liner pa o feminine wash ang sponsor niyan, hindi ba, out-of-topic na rin naman yun. hindi naman porke sponsor, obligado kang mag-patronize ng produkto nila... ikaw pa rin ang magdedecide, dude! kaya nga tayo may mga utak di ba? ginagamit iyan para mag-isip at hindi lang para mangatwiran ng baliko.

sa lahat ng eraserheads fans, it's just a one-night-only performance. kahit may issue na 45 minutes lang ang itatagal ng tugtugan, sulitin n'yo na, baka hindi na ito maulit. hindi uso sa kanila ang deja vu. magpasalamat na rin tayo sa sponsor nilang yosi sa pagbabalik ng mga idol natin ng magkakasama sa entablado. iyon din naman talaga ang pangarap ng marami sa atin. nagkataon lang na sila ang matatalinong nakaisip nito at naglakas-loob na ilapit ulit ang banda sa publiko.

sa mga pupunta sa eraserheads' reunion concert sa sabado, enjoy, seize the moment. dala kayo ng mga high-tech n'yong digicam at celphone. 'di pa 'yan uso nung una silang sumikat. share n'yo na lang sa youtube para mapanood naming mga 'di makakapunta at sa mga eheads' fans na nasa iba't ibang panig na ng mundo.

huwag na nating bigyan pa ng ibang kulay ang concert na 'to, para sa'ting lahat din naman 'to! sabi nga ni raymund marasigan, "it's just a rock and roll show, no drama just drums..."

"sugod mga kapatid, tayo ay magsama-sama, iwagayway na ang bandera, rock n' roll hanggang umaga!"

rakrakan na!!!


No comments: