Monday, August 4, 2008

ang mabuting kasabwat...

dahil sa hirap ng buhay at maya-mayang pagtaas ng gasolina, pagkain at pamasahe, e lamog na lamog na tayong mga Pinoy. daig pa kasi natin ang ni-knock-out ni Manny Pacquiao dahil sa sunud-sunod na sapak, sipa at tadyak na nararanasan natin dahil sa pandaigdigang suliranin sa ekonomiya. kung iisipin mo nga lang ito, e baka, magkasakit ka pa. mas malaking problema, di ba?

pero kanina lang, nakasakay ako sa bus, para pumasok sa trabaho, e isang pangyayari ang nakapagpagaan ng loob ko. kasi ba naman, nung naniningil na yung konduktor ng pamasahe, e P25 lang ang kinuha niya sa ibinayad kong isandaang piso, ganun din sa katabi ko. sa Cubao kasi ang baba namin, P26 ang pamasahe hanggang doon mula Letre. Sumenyas ang konduktor sa amin, sabi niya,"Ssshhh.. wag kayong maingay ha..." Nagkatinginan kami ng babeng katabi ko at nagpalitan ng ngiti... hay... buti na lang meron pa palang ganung tao... ung may konsiderasyon at concern para sa kapwa niya... oo nga't piso lang ang nabawas sa pamasahe namin pero kung tutuusin, sa panahon natin ngayon, na halos lahat ng presyo ay mataas, ang bawat piso o sentimo man ay tunay na mahalaga.

No comments: